Anong Ugali Ang Ipinamalas Ni Camaroncocido Sa Loob Ng Teatro?

Anong Ugali Ang Ipinamalas Ni Camaroncocido Sa Loob Ng Teatro?

El Filibusterismo

Kabanata 21: Ang Anyo ng Taga - Maynila

Ugaling ipinamalas ni Camaroncocido:

Sa kabanatang ito ipinakita ang kawalan ng malasakit ni Camaroncocido. Madalas niyang ipinagwawalang bahala ang mga pangyayari o mangyayaring kanyang nabatid lalo na kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya. Wala siyang pakialam sapagkat hindi siya ang mapipinsala kaya naman ipinagkikibit balikat lamang niya ang lahat ng mga nalalaman kahit alam niya ito ay may matinding pinsalang idudulot sa iba. Ito ang nagsisilbing kanser ng lipunan sa kabanatang ito magpasa hanggang ngayon. Maraming kabulukan, katiwalian, at krimen ang kanyang nasasaksihan ngunit hindi  niya isinusuplong sa mga may kapangyarihan sapagkat ang mga ito ay walang tuwirang epekto sa kanya o biglaang masama na ginagawa sa mga nakakita. Ang katwiran niya ay dahil ayaw niya na masangkot sa gulo. Hindi niya nais na maabala tulad ng pagiging saksi sa tuwing magkakaroon ng paglilitis. Ngunit sa hindi paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay magpapatuloy at darating ang araw na ang nagpabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan nito. Samantalang sa mga katiwalian na nagaganap sa bayan hindi man tuwiran lahat ay nagdurusa, meron pa rin nananatiling apektado. Sila ang mga totoong biktima na walang kalaban laban.

Read more on

brainly.ph/question/1322550

brainly.ph/question/2132647

brainly.ph/question/1407056


Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagdating Ng Gerero Sa Gubat Buod