Ano Po Ba Ang Kahulugan Ng Iniamba?
Ano po ba ang kahulugan ng iniamba?
Ang kahulugan ng salitang iniamba ay itinutok o inihaya, pagtaas ng kamay na waring mananakit.
Kung ating gagamitin sa pangungusap upang mas lubos na maunawaan ang kahulugan ay narito ang ilang mga halimbawa:
1. Iniamba ng ina ang sampal sa kanyang anak dahil hindi na ito makapag pigil sa pinapakitang katigasan ng ulo ng anak.
2. Ang isang magnanakaw ay iniamba ang kanyang dalang patalim sa kanyang biktima,dahil sa takot ay ibinigay nito lahat ang kanyang pera.
3. Ang isang kanyon ay iniamba na ng mga military upang bombahin ang mga NPA ng bigla magsitaas ng kamay ang mga ito tanda ng pagsuko.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman sa talasalitaan:
Comments
Post a Comment