Buod Ng Kabanata 62 Of Noli Me Tangere
Buod ng Kabanata 62 of noli me tangere
Answer:
Kabanata 62: Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso
Buod
Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Nabalitaan na ni Maria Clara ang nangyari kay Ibarra. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa nagsasabing pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Nakapako lamang ang kaniyang mga mata sa mga pahayagan, ngunit hindi naman niya ito binabasa, batid niya ang balita.
May-maya pa ay dumating si Padre Damaso at nakita ang malungkot na anak. Hiniling agad ni Maria Clara na sirain ang kasunduan at huwag ng ituoy ang kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan at wala naman daw siyang iibiging iba ngayong wala na si Ibarra. Dalawa na lang daw ang mahalaga sa kaniya ngayon, ang kamatayan o kumbento.
Napagmuni ni Padre Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad kay Maria. Napahagulgol ng malakas ang prayle habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin at pagmamahal sa kanyang anak.
Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Padre Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa langit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa talaga sa mga nagkakasala.. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria sa pagkawala ng minamahal na si Ibarra.
Keyword: Padre Damaso
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Mga Tauhan sa Kabanata 62: brainly.ph/question/2162200
Tagpuan sa Kabanata 62: brainly.ph/question/2159106
Tanong at Sagot sa Kabanata 62: brainly.ph/question/2152016
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment